[click to read related entries : conversationarily cute]

[via text messaging]

girl: why are you thinking of me now?

       'kaw ah!

ako: *surprised of the text*

        actually

        paano mo nalaman?

girl: ayyy... wala

ako: ano? ang labo mo naman!

girl: hehe...

       so kamusta ka na?

ako: ok lang. tapos na finals...

        kaya heto nagpapakasaya

girl: gusto mo lumabas?

ako: hmmm...

girl: sige na! gusto mo rin naman since you were thinking of me!

ako: ang kapal!

girl: eh totoo naman 'di ba?

ako: actually feeling ko ikaw talaga ang may gusto!

girl: na?

ako: asus! nakaplano na lahat 'to 'no?

girl: ha?

ako: malamang, bago mo ako tanungin kung iniisip kita, inisip mo na ako.

        sasama naman ako eh, aminin mo lang

girl: aminin na?

ako: na nahihiya ka lang talagang yayain ako sa date.

girl: ibang klase ka talaga!

ako: joke lang

girl: pero may aaminin nga ako

ako: e?! ano?

girl: wag ka sana magalit

ako: hala! teka seryoso ba 'to?

girl: hindi naman...

ako: sige game...

girl: i like texting you naman...

ako: pero? go na... be straight

girl: wag ka magtampo sa akin ha?

ako: bakit ba?

girl: basta...

ako: bakit ako magtatampo?

girl: eh kasi... 'yong kanina

ako: what about?

girl: wrong send kasi 'yong kanina eh

ako: alin? 'yong first text mo?

girl: yeah

ako: oh...

girl: sorry!!

       thanks for thinking of me though...

ako: ok lang...

girl: galit ka?

ako: 'di naman.

        sa totoo lang, i really was just being polite earlier when i implied that i was thinking of you

girl: ganun?

ako: i guess

girl: i guess we're even

ako: evenly disappointed i suppose

girl: sorry...

ako: i missed you though

girl: 'kaw rin.

       it's been a while na rin 'no?...

       'di ka na nagkukwento...

       basta ipakilala mo ako sa kanya ha?

ako: sure

girl: she's lucky...

ako: no. i'm lucky. 

girl: eh pano na?

       you'll still write about this?

ako: you think i should?

girl:

ako: o? ano 'yan?

girl: wala...

       pero alam mo...

       i enjoyed our conversations...

 

       ... even this one

ako: me too...

 

        thank you.

Posted by sikeroh on March 21, 2008 at 10:30 AM in conversationarily cute | 19 sniffed me

nagsama-sama pa...

ano ba 'to?!

 

mga naka micro mini skirt...

mga nagpaka-short shorts...

mali 'to....

 

tube top...

 

plunging neckline...

 

ano ba?!

 

gaano kaliberal na ba 'tong mundong 'to?!

ano bang mga naisip ng mga 'to....

 

tapos...

stilettos?!

dito?!

tibay ah...

pero mali....

 

mali talaga eh...

 

 

 

mali talagang makakita ng mga ganito

sa cr ng mga lalaki.

*whispers* 

nakakatakot magwiwi. :s

Posted by sikeroh on January 11, 2008 at 10:39 AM | 6 sniffed me

i texted her something sweet..

something that [i think] would make her smile...

something that would start her day...

a simple good morning

and a few smiling faces

 

and now i imagine how she'd wake up...

and how she'd see the message..

read it...

and notice that i sent it early...

[though i sent it without first brushing my teeth..

as if she's gonna find out...]

but anyway...

i've been thinking of the way she'd smile

of the way her eyes would roll while thinking of something...

and have been wondering on what she'd say...

 

toot

toot....

*pause*

toot

toot....

 

1 message received... 

oh my god...

 

 

2346:

GET FREE TONES!

BEAUTIFUL GIRLS

(Reply 1)

2-LoveWillLeadYouBack

3-Irreplaceable/Beyonce

4-Magsasaya

Reply < code > Ex: 1

FREE w HotGamesClub

P20 3x/wk

JavaFonsOnly 

 

 

PUTANG INA. GLOBE...

Posted by sikeroh on October 23, 2007 at 09:29 AM | 14 sniffed me

[click to read related entries : conversationarily cute] 

ako: nagpagupit ka 'no?

girl: yeah, hindi ba maganda?

ako: *smiles*

girl: ngiti ka diyan!

ako: wala lang, i just want to make you feel really conscious

girl: gago!

       hindi nga?

       maganda ba?

ako: define maganda

girl: 'yong attractive

ako: attractive?

girl: yeah

ako: attractive para sa akin?

girl: yeah?

ako: haha!

girl: tawa ka diyan!

ako: kasi indirectly, inaamin mong nagpapakyut ka sa akin

girl: gago! hindi kaya!

ako: sige fine, kunwari na lang naniniwala na ako

girl: whatever!

ako: for me...

        hmmm...

girl: yeah?

ako: i think it's ok

girl: ha? what kind of ok?

       o~k~ or ok!

ako: cute...

girl: talaga?

ako: wait...

        hindi pa ako tapos

girl: ha?

ako: cute na sana... kaso

girl: *pouts*

ako: kaso hindi ka nakangiti!

girl: *smiles* nakakainis ka!

ako: utu-uto ka naman!

girl: hay nako wala ka talagang sense kausap.

       maganda or pangit lang tinatanong ko

       tapos ang sasabihin mo, 'ok lang.'

       sometimes it's even worse

       tipong favorite color na nga lang tinatanong ko,

       then you'll say 'rabbit'

       ano ba naman 'yon?!

       ang labo mo jay!

ako: sorry! ganoon ako magpakyut eh

girl: ano?

ako: wala

girl: so inaamin mong...

ako: oo

girl: sa akin?

ako: effective ba?

girl: uuuy!

       crush mo 'ko 'no?!

ako: *smiles*

girl: hindi nga?

ako: rabbit.

girl: i hate you!

ako: talaga lang ha!

girl: talaga...

       *looks at cellphone*

       ay sige, next time na lang kita babawian

       andito na sundo ko

ako: sige, ingat kayo

girl: sana next time aminin mo na

ako: alin?

girl: 'yon...

ako: ang labo...

        pero aaminin ko

        your hair's lovely...

girl: *smiles*

ako: before you had it cut

girl: hay nako!

       hindi na ako maiinis.

       cute na jay...

       cute na...

       tama na ang pagpapakyut!

ako: aminin mo na lang kasing nagpapakyut ka sa akin

        so that i'll tell you what i really think of your hair

girl: it doesn't matter

       akala mo sa 'yo ko nagpapakyut?

       feeling mo...

ako: ah...

        sorry ha...

        sige, ingat na lang kayo ha

girl: uuuy! deep inside nahurt siya!

ako: hindi 'no

girl: sabi mo eh

       *walks away*

       *stops*

       ay jay...

       *runs back*

ako: yep?

girl: thanks for noticing my hair...

       ikaw lang pala nakapansin...

       so for me, enough nang complement 'yon

       *throws a hug*

       you're the best.

ako: *blushes*

        uhhh...

        *blushes some more then pats her back*

        no problem

Posted by sikeroh on June 30, 2007 at 02:19 PM in conversationarily cute | 20 sniffed me

nakakainis talaga pag inaantok ka.

lalo na kung marami ka pang dapat gawin.

mahirap...

parang love.

parang nainlove ka kay pichay.

tapos lalaki ka pa.

imposible.

ganoon kahirap.

 

alam mo 'yong pakiramdam na

mabigat na ang ulo mo't tila may magnet na ang 'yong mga mata?

tapos nanghihina ka na't tamad na tamad pa?!

grabe...

at pag nagkataong dumikit pa 'yong ulo mo sa unan,

kahit isang saglit lang,

siguradong umaga na ang aabutan mo.

 

ganito bumanat ang antok.

matindi at biglaan.

buti sana kung isa kang boring na taong walang social life.

hindi ka masyadong apektado.

pero kung normal ka at cute [tulad ko],

maraming masamang epekto ang antok-sabay-tulog sa 'yo.

halimbawa...

maiiwan mong online magdamag ang ym! mo,

hindi mo mababati ng "good night sweet dreams muah muah"

ang mga kaibigan mong [nabibilang sa kabilang kasarian]

at hindi mo pa masisindihan ang night light mo.

patay kang bata ka!

haay...

basta...

'yon.

medyo antok na ako eh

pero nagsusulat pa rin.

nag-iisip pa rin ako ng mga bagay na makapagpapaligaya sa inyong lahat!

go! go! go! pa rin!

tuloy ang ligaya!

alam mo 'yon, 

hindi kasi maganda pag

nabibitin ang

Posted by sikeroh on June 19, 2007 at 09:21 PM | 23 sniffed me

para sa mga atenistang nagbabasa dito,

[at sa lahat na rin]

marami pong salamat :D

masayang-masaya po ako't nalaman kong

hindi piksyonal ang aking mga mambabasa

dito sa tabulas.

 

salamat sa inyo :D

 

readers i've met in person recently :

anne

dino

karla

pie

raffy

sandra

[hope i spelled your names right...]

[hindi na kasama ang mga kaibigang matagal ko nang kilala]

 

anyway, 'yong iba, hindi ko pa kilala eh...

sana malaman nilang

takot ako sa mga strangers na nakakakilala sa akin.

*cough* philo classmate *cough*

sana makilala ko kayo para masaya :D


malay n'yo!,

manlibre ako bigla

malay lang 'di ba

 

anyway, kung hindi pa ninyo nababasa 'yong latest entry,

scroll down.

 

just wanted to say thanks to the people who approached me.

pinataba ninyo ang puso ko...

at 'di hamak na pinalaki niyo ang ulo ko!

mga gaga!

joke lang....

pero seryoso...

marami pong salamat

Posted by sikeroh on June 15, 2007 at 07:19 PM | 13 sniffed me

[click to read related entries : conversationarily cute]

girl: ok na ba mata mo?

ako: wow, ganyan pala itsura mo pag malinaw...

girl: am i cute?

ako: ok lang.

girl: ok lang?!

ako: joke!

girl: pero seryoso, magaling na ba?

ako: medyo.

        actually the day right after nung surgery medyo ok na siya.

        sabi nga ni doctora, 20-20 na daw pag both eyes ang gamit ko eh

girl: oh?

       (holds up two fingers)

       ilan nga 'to?

ako: dalawa

girl: ito?

ako: tatlo

girl: eh ito?

ako: ano ka ba!

girl: naaliw lang ako 'no

       sige na...

       ilan na?!

ako: four!

girl: eh pag ganito kalayo.. ilan?

ako: ang kulit!

        four pa rin!

        alam mo, three meters further, four pa rin bilang ko diyan

        but those two tiny pimples hiding behind your bangs will not be that visible

        kasi medyo shadow na lang nakikita ko eh.

girl: talagang 'yon pa ang pinansin eh 'no!

       ang mean mo talaga!

       naconscious na tuloy ako

ako: nevertheless,

        i can still see two gorgeous eyes...

girl:

ako: a pair of the most gentle lips...

girl:

ako: uuuy! tapos pilit pang itinatago 'yong pearly whites niya!

girl: ano ba!!

ako: i wonder what she looks like if she takes off her hat

girl: hat?

ako: right there oh!

        (points at the girl near the door)

girl: ahh siya...

ako: bakit?

girl: wala

ako: kala mo ikaw 'no?!

        sabi na eh!

        uuy! tampo na 'yan!

girl: weh! malamang!

       hindi ka kasi makapagfocus sa isang girl lang!

ako: ano ka ba!

        i was just kidding!

girl: kidding?!

       buti sana kung wala talagang girl doon 'di ba?

ako: halika nga dito

girl: (comes close)

ako: ako naman magtatanong sa 'yo

        (holds up right index finger)

        ilan 'to?

girl: hindi ako bulag 'no

ako: basta sagutin mo na lang

girl: isa.

ako: (places index finger between her eyes)

        ngayon, ilan 'to?

girl: ano ka ba!?

ako: dalawa nakikita mo 'di ba?

        pero in reality isa lang talaga 'yan.

        it may seem na marami akong nakikita lagi...

        pero sino ba ang andiyan?

        sino ba ang kasama ko?

        ikaw lang.

girl: diyan ka magaling!

ako: kinilig ka naman eh

girl: hindi kaya!

ako: sige na nga...

        kunwari naniniwala na ako.

girl: hay nako! malinaw na nga mata mo

       pero malabo ka pa rin

ako: tama na baka mainlab ka na sa akin

girl: whatever!

ako: buti naman nakangiti ka na

girl: che~

ako: by the way, ang cute mo pala maduling

girl:

Posted by sikeroh on May 31, 2007 at 09:34 PM in conversationarily cute | 26 sniffed me

to my fellow senior ateneans who are experiencing the joys 

and pleasures brought by our new online registration system.

 

guy: miss, ikaw ba 'yong tinatawag nilang aisis?

girl: ha? bakit?

guy: ang hirap kasi mag-enlist sa puso mo 

 

guy: grabe! there are only two profs remaining since bulok ang aisis!

girl: oo nga eh bad trip, there's not much of a choice 'no?!

guy: pero alam mo, just choose one... it doesn't matter naman eh

girl: why?

guy: kasi in the end, i'll still choose you

 

guy: ang papangit ng mga schedules natin 'no?!

girl: oo nge eh.

guy: pero buti ka pa...

girl: ha?

guy: maganda.

 

girl: shit! taken na lahat ng slots!

guy: alam mo, ok lang sa akin kung taken na lahat...

        basta ikaw, hindi pa.

Posted by sikeroh on May 24, 2007 at 01:56 PM | 16 sniffed me

ano nga ba ang masarap ipampahid sa sipon?

pansin ko kasi,

hindi lahat ng bagay, angkop sa pagpahid dito.



tissue [rating : ****]

- isang malambot at manipis na tela

pwede...

pero hindi lahat.

may mga tissue kasi na pag siningahan mo,

lalo ka pang sisipunin.

gusto ko 'yong tissue nila aj [isang blockmate]

kasi mabango...

amoy mint...

pang mayaman talaga!

sobrang ok [kahit hindi sinisipon].

[sana merong amoy pentel pen]

 

tissue ng mcdo at jollibee [rating : *]

- malambot at manipis na telang may dilaw na 'm' o may disenyong jollibee

hindi ok

madulas.

 

tissue ng max's [rating : **]

- malambot at manipis na telang bigay ni piolo

hindi rin ok...

pero mas ok kumpara sa tissue ng jollibee at mcdo

 

table napkin sa hotel [rating : ***]

- sosyal na tisyung pwedeng labhan

hindi ok...

madulas...

at madudumihan ang 'yong pantalon pag ginamit.

gamitin na lamang ang napkin ng katabi.

 

panyo [rating : ****]

- pampahid ng uhog na sinusuot rin ng mga babaeng liberal

ok rin 'to!

ngunit hindi na,

[at nakakatakot nang ipasok sa bulsa]

kapag bumabaha na sa uhog ang bawat sulok nito.

 

bagong panyo [rating : **]

- pampahid ng uhog na may istiker pa

kadiri.

para kang nagpahid ng plastik sa mukha

madulas!

kaya kumakalat lamang ang sipon.

 

panyo ng babae [rating : ****]

- pampahid ng uhog na galing sa bulsa ng babae

minsan mabango.

pero minsan lang.

[sa bagay, sinisipon ako kaya hindi ko rin sigurado kung

hindi nga mabango 'yong iba]

 

kubre ng kama, kubre ng unan at kumot [rating : ****]

- telang pinambabalot sa higaan. [hindi magagamit sa banig at papag]

ginagamit lamang ito ng mga taong walang

katabing panyo/tissue kapag natutulog.

ok rin... basta palitan mo lahat

pagkagising.

 

table cloth [rating : *]

- tela/plastik na ipinambabalot sa mesa

pwedeng gamitin [kahit hindi ok] basta hindi

ka makikita ng mga kasama mo.

 

kurtina [rating : *]

- panyong isinasampay sa may bintana upang hindi makapasok ang magnanakaw

maraming alikabok.

hindi ok.

 

tuwalya [rating : **]

- higanteng mabalahibong panyo na para sa basang katawan

para sa akin,

hindi ok!

masarap sa ilong ang texture nito

pero iba na ang usapan pag

nasisinghot mo na ang mga

balahibo nito.

 

diyaryo [rating : *]

- papel na sinayang sa mga walang kwentang kwento

tama nga si tatay,

mas ok siyang pampahid na lamang sa bintana.

 

dahon ng saging [rating : ?]

- malaking luntiang dahon na may mga punit sa gilid.

hindi ko pa nasusubukan

sapagkat marami daw gagamba sa puno ng saging.

takot ako sa gagamba.

 

balat ng tao [rating : *****]

- tingin sa braso... ayan!

oo sa balat...

sa braso o kung saan man.

hindi nga kaaya-aya

ngunit ginagawa pa rin.

kung wala nga naman talaga eh

maliban na lamang kung gusto mong tumulo ang sipon mo.


t-shirt [rating : ***]

- saplot ng taong may xs, s ,m ,l , xl, etc. sa likod.

ok rin siya basta sa bahay lang.

natry ko na isang beses sa loob ng pamantasan.

kadiri.

 

banig [rating : ?]

- materyal na gawa sa mga pinatuyong dahon/malambot na kahoy

uhhh...

sige subukan mo.

 


pusa [rating : *]

- isang hayop na mahilig kumain, matulog at magbaon ng tae.

binahing ako.

 

marami pang ibang bagay ang maaaring gamitin

upang ipampahid sa sipon.

kailangan lamang maging creative at mapili.

hanggang sa susunod mga kababayan!

Posted by sikeroh on May 10, 2007 at 05:46 AM | 25 sniffed me
« Newer · »